Ma, Pa.. gagawin ko po talaga yung best ko na maging Best in Toga. Paplantsahin kong maigi talaga. ahhahahah
Mama, salamat kasi hindi mo na ako pinapalo sa pwet. Thank you, mula sa hindi mo pagpapaabort sa akin hanggang sa pagtitiis sa mga kalokohan ko at pagaalaga sa akin sa loob ng 20 years. Sa pagpunta sa school sa tuwing may sulat at pinapatawag ka ng teacher kase alam mo na. Lagi man tayong nagaaway, at least hindi na masyado ngayon. You will forever be the coolest mama that I could ever have, at gusto ko ikaw pa rin ang mama ko sa mga susunod pang buhay. Sorry kung lagi kong nauubos ng mabilis yung lotion mo, gusto ko kasi magkasing puti tayo. hahahaha!
Dad, gagraduate na po ako :) 6 years ka dyan. hahahaha Sana proud ka sa akin :) Thank you po sa lahat mula sa pagkarga sa akin pauwi wag lang ako magising sa tuwing nakakatulog ako sa jeep kahit Grade 3 na ako nun. Minsan naman talaga nagigising ako, ayoko lang talaga maglakad hahahaha. Sa pagpayag na sumama ako sa lahat ng Field Trip, pagtuturo sa akin magswimming at magbike. Sa pagiging competitive man hungry for adventure, (KJ kasi ang mama ko). Sa pagbili ng mga laruan ko (kuripot kasi ang nanay ko) lalo na yung mga kotse-kotsehan at baril-barilan. Sobrang daming masasayang memories, sana madagdagan pa natin yun lalo na ngayong graduate na ako :)
Lola, My favorite lola ever!
Salamat sa pagaalaga, pagsuporta, at pagmamahal sa akin, turn ko naman ngayon na bumawi ng bongga sa inyo :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento